Sunday, August 7, 2011

SAMPUNG TAON MULA NGAYON,HETO NA AKO!

                                         May nakapagsabi sa akin noon,na walang tao ang walang pangarap,at kung ang isang tao man ay walang pangarap ang ibig sabihin ay isa syang tao na walang direksyon ang buhay.Ako,isang simpleng tao na nangangarap na maging isang matagumpay sa aking propesyong napili.Ang makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng maginhawang buhay kasama ang aking pamilya.
                                          Sa aking unang pagtapak sa unibersidad na ito,hindi ko akalain na  ganito pala  ako,pagkatapos ko ng unang taon sa kolehiyo,mas matibay,mas masaya, at maraming aral ang aking napulot dito,para akong basurero na iniipon ang lahat .Kung ako ay papalarin,gusto ko siyempre ang magtrabaho sa isang kompanya,na pagsisilbihan ko ng tapat at magmamahal din sa akin,kung saan ako ay ipagmamalaki ng aking mga magulang at ng kompanyang aking pinagtatrabahuhan.Magkaroon ng buhay na maginhawa yung kaya kong ibigay ang anumang hilingin ng aking pamilya sa akin,At isang bahay kung saan ibubuhos ko ang lahat ng aking ipon at ang higit sa lahat ay ang maging masaya kami,manatiling buo at matagumpay,yun lang kahit ito lang,dahil kahit anung yaman ang mayroon ako,kung hindi naman kami masaya,balewala ang lahat nang kayamanan mayroon ako.
                                          Ang lahat ng tao sa mundong ito,ay darating ang araw na lilisan din tayo sa mundong ating ginagalawan ngayon.Anuman ang ating nagawa  ay mananatiling ala-ala na lang  sa iba,gaano man kaganda ang mga materyal na bagay na mayroon ka,balewala ito,kung walang pagmamahal sa kapwa mo.Dahil sa dulo,tanging mga ala-ala na lang natin ang mananatili kapag tayo ay umalis na sa mundong ibabaw.


                          



No comments:

Post a Comment