Una,hindi naman tayo dapat mag expect agad ng madami kay P-noy KASI isang taon pa lang naman sya sa serbisyo,isa pa maraming kalat na iniwan si former pres.arroyo na dapat linisin at ituwid ni Pnoy kaya kahit anong sabihin ng iba,bilib pa rin ako sa kanya kasi kahit papano,mas nakikita natin yung mga ginagawa nya .Maraming mga baluktot na gawa na ang naituwid ni Pnoy sa isang taon nyang panunungkulan.
Dapat magpasalamat tayo kay Pnoy kasi kahit papano,marami na rin syang nagawa,tsaka dapat,hindi na natin pakialaman ang buhay pag-ibig nya tutal naman,pribadong buhay nya na iyon.Kung hindi man nya nagawa agad ung mga gusto natin gawin nya mahaba pa naman ung termino nya para maisagawa pa nya ito,tsaka kung lahat tayo mag eexpect sa kanya ng madami,mahihirapan syang gawin ito,sa dami ba naman ng tao sa mundo..At ang pagyaman at PAG unlad natin wala kay Pnoy yan,nasa ating mga pinoy ang pag unlad ng ating pamumuhay dahil tayo mismo ang may hawak ng buhay natin,hindi sya kaya huwag natin iasa sa kanya lahat,TAO lang din sya.
Isa lang masasabi ko satisfied ako sa trabaho nya,at dapat nyang ipagpatuloy ang mga ginagawa nya.Dahil naniniwala ako sa kakayahan nya,.Aanhin natin pangulong sobrang talino,kung sa sobrang talino,nagagawa tayong igisa sa sarili nating mantika..????????DI BA?(NO OFFENSE po opinyon lang po)
No comments:
Post a Comment